LULLABY
Ciel Perlas
Tulog na aking mahal
Takot ay kalimutan
Di kailanman iiwan
Pagmamahal sa'yo ilalaan
Di hahayaang masaktan
Gabi't araw ay babantayan
Hangga't ako ay kailangan
Pangako ko hindi lilisan
Ang araw ay sisikat din
Magwawakas rin ang dilim
Liwanag ay masisilayan din
Bukas ay salubungin
Harapin ang umaga
Dala nito'y pag-asaYakapin mo ang ligaya
Pagkat hindi ka na mag-iisa
Ang araw ay sisikat din
Magwawakas rin ang dilim
Liwanag ay masisilayan dinBukas ay salubungin
Tahan na...Ang araw ay sisikat din
Magwawakas rin ang dilim
Liwanag ay masisilayan din
Bukas ay salubungin
Di na muling luluha pa
Ligaya ay nahanap na...
No comments:
Post a Comment